Wednesday, August 22, 2012

Para sa tumuro gumawa nito.


Para sayo, aking guro
ang tulang ito na mula sa akig puso
Sayang nga lang at hindi tuwa
Ngunit sakit at kabadtripan and pinagmulan.

O bakit nga ba ang bagal kumilos
Tila ang oras ay napahinto
Noong sinabi mo na hindi na pwede
At tapos na ang aking pagkakataon.

Sana man lang ay nabigyan ako ng isa pa.
Dahil alam kong kaya naman, nagmuka lang tanga.
Napakabobo kasi, hindi na natuto
Sana ay dati pa lang ay isinapuso na ito.

Oo nga pala, isa kang propesor
Hindi lang isang titser,
kundi isang ginagalang na tao
Kolehiyo na pala ito.

Sana, magamit ko ito
Ang aking natutunan sa iyo
Sana ay makita mo,
ang pagsisikap na gagawin ko.

Pagka't ikaw ang unang guro
Dito sapinakamamahal na kolehiyo
Na aking naging paborito.
Sana ay matandaan mo.

Itong tulang ito ay para sayo.
Para sayo na nagturo kung ano ito.
Haay sana ay ilagay ko na sa utak
Kain na lang kaya tayo ng Big Mac?

~Faye Bernardo

Yey ayan adlib lang. Hard lesson learned. Magiging pundasyon ito ng pag aaral ko. Thank You Lord at nagkamli ako, atleast ngayon alam ko na ang halaga ng napakawalan kong grade, ng pinaghirapan ko. Sana po ay hindi na ito maulit.

No comments:

Post a Comment