Monday, April 30, 2012

Pain

 Annarasumanara
by: Ha Il-kwon
Sabi ko sa sarili ko dati kapag nakakaramdam ako ng physical pain, mas kakayanin ko pa kung emotional pain ang nararamdaman ko. Pinakaayaw ko sa lahat ang sakit sa tiyan at lagnat. Naiisip ko na lang kapag sobrang sakit, ayoko na nito. Bakit ko ba nararamdaman yun? Sana sakit na lang na emosyonal, tolerable pa.

It turns out... mali ako. Kakaiba itong sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Napakalungkot na sakit na hindi agad matatanggal. Ang emosyonal na sakit na ito ay nagdadala din ng pisikal na pagpapasakit. Ang sakit sakit ng puso ko. Bakit kaya ako nagkakaganito?

Dahil lang sa pagbabasa ng isang istorya? Kaya ayoko ng sad stories eh. Hindi ko kinakaya. Hindi ko ineexpect na ganun ang magiging istorya nun. Ang lakas ng dating sakin. First time kong matulala pagkatapos basahin lahat ng kabanata mayroon ang istoryang ito. Walang luhang lumabas, ni isa. Hindi ko maipaliwanag, pero ang lakas ng impact sa puso ko. Hindi ko akalain na may manunulat na kayang gawin yun.

Dahil sa pagbabasa ng istoryang ito, maraming kaisipan ang lumulutang sa aking utak. Maraming mga bagay ang nabigyang ng sagot, pero mas marami ang tanong na nagsulputan. Kakaiba talaga ang experience kong ito. Hinding hindi ko malilimutan. Ngayon ko lang ulit naramdaman to, mula ata nung nagbreak kami ng ex ko. Grabe lang. heavy pare.

Siguro sa hinaharap ay babasahin ko ulit ang istoryang ito. Pag handa na ulit ako, at wala nang sakit sa puso ko, mas maiintindihan ko siguro yung gustong iparating ng manunulat. Pero matagal pa yun. Matagal ba bago ko ulit kayaning sikmurain ang karanasang ito.

Kung gusto niyong basahin, okay lang. Pero kakaiba kasi talaga. Huwag niyong sabihin na hindi ko kayo sinabihan ah? Pero worth it naman sa huli dahil maraming kaisipan ang iyong matutunan o mapagiisipan. Pero bago ako umalis, may tanong lang ako...

Do you... believe in magic?




P.S. At sa ngayon makakaiyak na ako :)

Sunday, April 29, 2012

Isang bagay na ayaw ko.

Ang pinakaayaw ko talaga sa lahat, kapag nag cocomputer ako tapos may nanunuod. Lalong lalo na kapag may kachat ako sa Facebook o nagbabasa ako ng magandang manga. Nakakairita lang sa feeling eh. Kahit nagtytype ako ayoko ng may nakatingin sa monitor. Hindi ako makapagconcentrate at gusto ko sapakin yung nakikinood. Lalo na kapag nagpapanggap na may ibang ginagawa, e hindi naman pala. ARRRRRGH naiirita ako.

Ang hirap lang kasi magfocus, ayoko ng ganito. Makalogg off na nga. babay! :D

Saturday, April 28, 2012

Disappointment

Kapag may rinerespeto akong tao, siyempre sa paningin ko lahat ng ginagawa niya, ay dapat tama lamang. Para lang iyan pag iidolo sa isang artista eh. Kapag may mali silang nagawa, o iskandalo na nasa headlines, nagiiba na ang paningin natin sa kanila. Aba, tao lang sila.

Pero iba talaga pag may natuklasan ka na ginawang mali ng rinerespeto mong tao. Magiiba at magiiba talaga ang tingin mo sa kanya, na hindi mo namamalayan na may pagkakataong magiiba na rin ang turing mo sa kanya. Sa huli, ay maguiguilty ka at mapapaisip na lamang,"bakit ko ginawa 'yun?". At marerealize mo, na dahil dun sa natuklasan mo, pati ikaw na rin sa sarili mo ay mayroon na ring pagkakamali.

Ang hirap pa naman. Lalo na at pamilya mo pa ang taong iyon.

Pero kahit ganun..

...continuation of "Ang Bawal. Bow."

Pero kahit bawal, di mo naman ako masisisi na mag imagine eh. =)) Dahil na din sa pagkahilig ko sa novels, manga, anime, koreanovela(o japanese o taiwanese o ano man), ay syempre naeexpose ako sa iba't ibang love stories. Karaniwan pa nga kapag nagbabasa ako ng manga ay maiingit ako sa heroine dahil napakaswerte niya sa bishies! Kyaaa~ inggit ako. Tama, eto nga ang totoong ako. :D

Hanggang dun lang naman eh. Paghanga sa mga artista and stuff.

Pero parang ampangit sabihin na rinerestrain ko ang sarili ko. Parang nakakadisappoint, hindi naman ako ganito eh. Nakakasuka kumbaga haaaay.

Anyways, that's that! Magbabasa pa ko ng novels at manga. Bye! ♥

Friday, April 27, 2012

Ang Bawal. Bow.

Ano nga ba ang bawal? madaming bagay ito. Pero most of the time, ito ang mga bagay na nakakapagpasaya sayo--with a price. Sabihin nating sa paginom ng alak. Sabi ng iba, masarap daw. Pero sa huli, magdadala ito ng saki ng ulo at pagsusuka. Titirahin din nito ang baga mo.

Para sa akin, ano ang bawal? Maraming bagay. Mainly mga bagay na hindi ko talaga dapat gawin. Mga bagay na mapaparusahan ako kapag ginawa ko. Pero isa lang ang naman ang nasa isip ko ngayon. Pag - ibig. Bawal ang pag - ibig, o sa ibang salita, pakikipag relasyon. Oo, alam kong magkaiba sila, pero sa kaunting experience na mayroon ako dito, magkasama sila most of the time. Well, yun ang kaso sa akin. Ewan ko na lang sa iba.

Ayun nga. Bawal yun. sabi nila(oo, marami sila) tsaka na daw mag boypren boypren. Pag - aaral daw muna ang atupagin. Sa totoo lang, yun naman talaga ang plano ko eh. Mag - aral. Pero nung sinabi nila yun sakin, parang ang sakit lang. Kasi parang kinukulong nila ako. Hindi ako manika mga pare. Oo, alam ko concerned lang kayo. Pero kasi ang sakit lang, okay?

So ano na? Siyempre si Dolly niyo, susunod lang sa authority. Wala na rin namang magagawa. Tsaka wala na rin akong interes diyan, kasi baka mag iskandalo na naman sila(oo, nag iskandalo na sila dati). Ayoko na nga mangyari yun. So ayun, focus muna. Sana wala na munang mang didistract sa akin. Ayun. Bow.

Thursday, April 26, 2012

Inspirasyon number 1

May mga pagkakataong binabalikan natin yung nakaraan. Iisipin natin yung mga nawalng oppurtunity, at yung mga kasiyahan. Mamiss man natin to, lagi lang nating iisipin, may future pa tayo sa harap natin. Kaya kahit paminsan minsan lumilingon tayo, dapat din tayong tumingin at humarap muli. Ngunit kahit ganoon, ay kailangan din natin tumingin sa baba, at panatilihing grounded ang ating mga sarili sa kasalukuyan, kahit gaano pa kataas ang ating marating. At huling huli, ngunit pinakaimportante, ay ang tumingala sa itaas, hindi lang para mangarap, bagaman ay para magpasalamat sa lahat ng mayroon sa mundong ibabaw at sa lahat ng ating narating.

Monday, April 23, 2012

An Opening Message

Dear readers,

Hello! :) Pepay Bernardo here. So, how are you doing? Me? I'm fine. Life gets me, but that's just how it is right? I've thought of making a new blog aside from my tumblr (which I haven't used in months) so here it is! You will see the true Crista Faye here. I will express al mt thoughts and feelings here. :D I will also post creative stuff because I'm just that kind of person! :)

Oh, before I forgot. I will also post here using my native language, which is Filipino, so.. yeah. I've got to embrace the land where I was born right? Well, I chose to write in English because I'm practicing my skills. Hehe ^^;

Please take care of me! ♥

Lovelots,

Pepay Bernardo ;)