Ano nga ba ang bawal? madaming bagay ito. Pero most of the time, ito ang mga bagay na nakakapagpasaya sayo--with a price. Sabihin nating sa paginom ng alak. Sabi ng iba, masarap daw. Pero sa huli, magdadala ito ng saki ng ulo at pagsusuka. Titirahin din nito ang baga mo.
Para sa akin, ano ang bawal? Maraming bagay. Mainly mga bagay na hindi ko talaga dapat gawin. Mga bagay na mapaparusahan ako kapag ginawa ko. Pero isa lang ang naman ang nasa isip ko ngayon. Pag - ibig. Bawal ang pag - ibig, o sa ibang salita, pakikipag relasyon. Oo, alam kong magkaiba sila, pero sa kaunting experience na mayroon ako dito, magkasama sila most of the time. Well, yun ang kaso sa akin. Ewan ko na lang sa iba.
Ayun nga. Bawal yun. sabi nila(oo, marami sila) tsaka na daw mag boypren boypren. Pag - aaral daw muna ang atupagin. Sa totoo lang, yun naman talaga ang plano ko eh. Mag - aral. Pero nung sinabi nila yun sakin, parang ang sakit lang. Kasi parang kinukulong nila ako. Hindi ako manika mga pare. Oo, alam ko concerned lang kayo. Pero kasi ang sakit lang, okay?
So ano na? Siyempre si Dolly niyo, susunod lang sa authority. Wala na rin namang magagawa. Tsaka wala na rin akong interes diyan, kasi baka mag iskandalo na naman sila(oo, nag iskandalo na sila dati). Ayoko na nga mangyari yun. So ayun, focus muna. Sana wala na munang mang didistract sa akin. Ayun. Bow.
No comments:
Post a Comment