Saturday, April 28, 2012

Disappointment

Kapag may rinerespeto akong tao, siyempre sa paningin ko lahat ng ginagawa niya, ay dapat tama lamang. Para lang iyan pag iidolo sa isang artista eh. Kapag may mali silang nagawa, o iskandalo na nasa headlines, nagiiba na ang paningin natin sa kanila. Aba, tao lang sila.

Pero iba talaga pag may natuklasan ka na ginawang mali ng rinerespeto mong tao. Magiiba at magiiba talaga ang tingin mo sa kanya, na hindi mo namamalayan na may pagkakataong magiiba na rin ang turing mo sa kanya. Sa huli, ay maguiguilty ka at mapapaisip na lamang,"bakit ko ginawa 'yun?". At marerealize mo, na dahil dun sa natuklasan mo, pati ikaw na rin sa sarili mo ay mayroon na ring pagkakamali.

Ang hirap pa naman. Lalo na at pamilya mo pa ang taong iyon.

No comments:

Post a Comment