![]() |
| Annarasumanara by: Ha Il-kwon |
It turns out... mali ako. Kakaiba itong sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Napakalungkot na sakit na hindi agad matatanggal. Ang emosyonal na sakit na ito ay nagdadala din ng pisikal na pagpapasakit. Ang sakit sakit ng puso ko. Bakit kaya ako nagkakaganito?
Dahil lang sa pagbabasa ng isang istorya? Kaya ayoko ng sad stories eh. Hindi ko kinakaya. Hindi ko ineexpect na ganun ang magiging istorya nun. Ang lakas ng dating sakin. First time kong matulala pagkatapos basahin lahat ng kabanata mayroon ang istoryang ito. Walang luhang lumabas, ni isa. Hindi ko maipaliwanag, pero ang lakas ng impact sa puso ko. Hindi ko akalain na may manunulat na kayang gawin yun.
Dahil sa pagbabasa ng istoryang ito, maraming kaisipan ang lumulutang sa aking utak. Maraming mga bagay ang nabigyang ng sagot, pero mas marami ang tanong na nagsulputan. Kakaiba talaga ang experience kong ito. Hinding hindi ko malilimutan. Ngayon ko lang ulit naramdaman to, mula ata nung nagbreak kami ng ex ko. Grabe lang. heavy pare.
Siguro sa hinaharap ay babasahin ko ulit ang istoryang ito. Pag handa na ulit ako, at wala nang sakit sa puso ko, mas maiintindihan ko siguro yung gustong iparating ng manunulat. Pero matagal pa yun. Matagal ba bago ko ulit kayaning sikmurain ang karanasang ito.
Kung gusto niyong basahin, okay lang. Pero kakaiba kasi talaga. Huwag niyong sabihin na hindi ko kayo sinabihan ah? Pero worth it naman sa huli dahil maraming kaisipan ang iyong matutunan o mapagiisipan. Pero bago ako umalis, may tanong lang ako...
Do you... believe in magic?
P.S. At sa ngayon makakaiyak na ako :)

No comments:
Post a Comment